Coach Racela, naniniwalang makakabawi ang TNT sa 2018 PBA Cup

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Kumpyansa si Talk N Text Coach Nash Racela na hindi papayagan ng kanyang koponan na maitala ang ikatlo nitong pagkatalo sa laban nila ngayong araw.

Makakalaban mamaya ng TNT ang Blackwater Elite sa kanilang bid para sa 2018 PBA Cup.

Ayon kay Racela, magaling ang Talk N Text sa pagbawi mula sa mga pagkatalo.

Naniniwala siya na alam na ng kanyang mga manlalaro ang kanilang naging kahinaan sa mga nakalipas na laban at gagawin ang lahat upang maipanalo ang laro kontra Elite.

Galing sa talo ang Katropa sa kanilang masalimuot na laban kontra San Miguel sa Iloilo sa iskor na 76-88 kung saan naging mahigpit ang labanan sa huling limang minuto ng laro.

Samantala, ang Blackwater naman ay galing sa kanilang panalo kontra Ginebra noong Biyernes sa iskor na 94-77.

Naniniwala si Racela na tatapusin nila nang maganda ang laban sa araw na ito.

Anya, ibibigay ng kanyang koponan ang respetong dapat naman talagang ibigay sa Blackwater at umaasa din siyang maibigay ng kanyang koponan ang kanilang lahat nang makakaya.

Read more...