Sa kauna-unahang pagkakaton, inilabas ng Korte Suprema ang summary ng 2014 Statement of Assets and Liabilities (SALN) ng 15 mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.
Si Associate Justice Francis Jardeleza ang lumabas na pinakamayaman sa lahat ng mahistrado na may networth na Php 244,413,320.16 million pesos.
Pangalawang pinakamayaman si Associate Justice Mariano del Castillo na may networth na Php 130,906,517.36 million pesos
Pangatlo si Sr. Associate Justice Antonio Carpio na may networth na mahigit P83.6 million pesos na mas mababa ng higit P630,000 ikumpara sa kanyang 2013 SALN.
Lumabas namang pinakamahirap na mahistrado ng SC si Justice Marvic Mario Victor Leonen na may networth na higit P2,098,000 pesos, na bahagyang tumaas ng 281 thousand mula sa idineklara nito sa kanyang 2013 SALN.
Lumabas naman sa inilabas na summary SALN ng mga mahistrado para sa 2014 na si Justice Castillo ang may pinakamalaking itinaas na networth sa halagang higit walong milyong piso kung ihahambing sa 2013 SALN nito.
Si Justice Bienvenido Reyes ay bumaba ng higit 1.5 million pesos ang networth sa halagang 76.7 million pesos para sa 2014.
Samantala, si Chief Justice Maria Lourdes Sereno naman ay yumaman mula sa 2013 SALN networth nito ng higit sa kalahating milyong piso kung saan may net worth ito na P19,584,104.34 / Ricky Brozas