Ayon sa Valenzuela City Public Information Office, ito ay matapos kilalanin ng Scene of the Crime Operations o SOCO sa pamamagitan ng DNA ang mga bangkay.
Bigo naman na makuhanan ng DNA sample ng mga otoridad ang ika-72 bangkay dahil sa tindi ng pagkasunod nito.
Dahil dito, umabot na sa 71 mula sa 72 mga nasawi ang nakilala na.
Inaayos na ngayon ng pamilya ng mga bagong nakilalang biktima ang libing ng mga namayapa nilang mahal sa buhay.
Mayo 14 nang matupok ng apoy ang pabrika ng Kentex Manufacturing na pagawaan ng mga tsinelas sa Bgy. Ugong, Valenzuela City.
Na-trap ang mga manggagawa sa second floor matapos magsimula ang apoy sa ground floor malapit sa exit ng pabrika.
Hindi naman nagawang makatalon para makaligtas ang mga manggagawa dahil sa rehas na bakal na nakakabit sa mga bintana ng pagawaan. / Erwin Aguilon