Pagresolba sa problema sa ERC ipinamamadali sa pangulo

Hiniling ni Sen. Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Energy kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng pansamantalang mga opisyal na hahalili sa mga sinuspinde na mga commissioners ng Energy Regulatory Commission

Ayon kay Gatchalian, sa ginawang pagdinig ngayong araw na natuklasan na mas malaki ang problema sa pagsuspinde sa apat na mga commissioners dahil hindi makakilos ang ERC sa pag-apruba ng mga power supply applications dahil sa kawalan ng OIC o officer-in-charge

Sa hearing, inamin ng ERC na sa ngayon ay may tatlong porsiento ng supply ng kuryente ang kinakailangan irenew ang kontrata at kung hindi ito magagawa, siguradong magkakaroon ng brownout sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Maliban dito, pinagsusumite din Gatchalian ang Department of Energy ng kanilang contingency plan sa inaasang mga brownout.

Paliwanag ni Gatchalian, hindi maaring hintayin ng DOE ang mga brownout bago gumawa ng mga plano.

Read more...