Bilang ng mga evacuees sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon, nadagdagan pa

FB Photo | Cong. Joey Salceda

Nadagdagan pa ang bilang ng mga apektadong residente sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Romina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot na sa 5,318 na pamilya, o 21,823 na indibidwal ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Ang mga residente ay galing sa 25 barangays sa iba’t ibang bayan at lungsod na nasa paligid ng bulkan, kabilang na ang bayan ng Kamalig, Guinobatan, Malilipot, Daraga, Tabaco, at Ligao.

Ang mga apektadong residente ay nananatili ngayon sa 18 designated evacuation centers.

Dagdag pa ni Marasigan, wala pa namang naitatalang mga pasaway na mga residente na nagpumilit bumalik sa kanilang mga tahanan.

Tuloy-tuloy din anya ang pagbibigay-tulong ng Office of Civil Defense upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

 

 

 

 

 

 

Read more...