Ayon kay SEC spokesman Armand Pan, hindi pa naman final and executory ang kanilang revocation order.
Sa desisyon ng SEC, nilabag umano ng Rappler ang foreign ownership restrictions on mass media.
Pero sinabi ng Rappler na ang kumpanya ay hindi pag-aari ng Omidyar Network and North Base Media kahit may hawak itong Philippine Depository Receipts.
Sinabi ni Pan na pwedeng dumulog ang respondent na Rappler Corporation sa Court of Appeals (CA) sa loob ng labinglimang araw para labanan ang SEC ruling at habang pending ay pwedeng magpatuloy ang operasyon ng news site.
Pero giit ng opisyal ng SEC, ginawa lang ng ahensya ang mandato nito bilang corporate securities regulator at wala itong layon na harangan ang malayang pamamahayag.