Mga residente sa walong lugar sa bansa, pinag-iingat ng BFAR sa pagkain ng shellfish

Positibo sa paralytic shellfish poison ang mga sinuring shellfish ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa walong lugar sa bansa.

Sa abiso ng BFAR, pinag-iingat ang mga residente sa pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at maging ng alamang sa mga sumusunod na lugar:

• Irong-Irong Bay sa Western Samar
• Matarinao Bay sa Eastern Samar
• Coastal waters ng Leyte
• Carigara Bay sa Leyte
• Lianga Bay sa Surigao del Sur
• Honda Bay, Puerto Princesa City, Palawan
• Coastal waters ng Mandaon sa Masbate
• Coastal waters ng Bataan sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.

Sinabi ng BFAR na hindi ligtas para sa hman consumption ang mga shellfish na mahuhuli sa nabanggit na mga baybaying dagat.

Lumagpas kasi sa regulatory limit ang nakuhang paralytic shellfish poison sa mga sinuri na galing sa naturang mga lugar.

Dahil dito, sinabi ng BFAR na mabuting huwag na lamang muna manghuli, magbenta, bumili kumain ng shellfish saw along lugar kung saan mataas ang toxins.

Ang mga isda naman, pusit, hipon at alimango ay maaring kainin pero kinakailangang hugasang mabuti at tiyaking natanggal ng tama ang internal organs bago lutuin.

Samantala, sinabi ng BFAR na wala naman na ngayong toxin red tides sa Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...