1 patay, 5 sugatan sa ginigibang hotel sa Baguio

baguioPatay ang isang construction worker habang lima naman ang sugatan nang bumigay ang isang pader ng lumang Burnham Hotel na dine-demolish kanina.

Nadaganan ng gumuhong pader si Brian Bagsigan, 25 taong gulang na agad nitong ikinamatay. Sa limang sugatan na mangagawa, dalawa sa kanila ay malubha ang kalagayan.

Nakilala ang mga sugatan na sina Jonell Kamino, 19 anyos, William Flores, 25, Jimboly de Guzman, 21, Robert Alivar, 49 at Jordan Francisco, 19 taong gulang.

Nasira din ang nakaparadang taxi at jeep malapit sa pinangyarihan ng aksidente.

Read more...