Alert level 3 sa bulkang Mayon pananatilihin ng PHIVOLCS; lava fountain naitala sa nakalipas na magdamag

PHOTO CREDIT: John Paul Mateos

Sa kabila ng naitalang lava fountain sa nakalipas na magdamag, pananatilihin muna ang alert level 3 status ng bulkang Mayon.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, apat na lava fountain ang naitala sa magdamag na hindi naman nangyayari nitong nakalipas na mga araw.

Gayunman, hindi pa ito sapat para itaas ang alert level 4.

Sinabi ni Solidum na ngayong araw ay patuloy na babantayan ang pag-aalburuto ng bulkan.

Kabilang sa susubaybayan ang dami ng sulfuric gas na inilalabas nito at kung gaano kamaga ang bulkan.

“Kagabi may konting change sa activity, apat na beses nagkaroon ng lava fountain na dati rati naman ay wala
For the moment, retain ang alert level 3. Meron tayong gagawin survey ngayon,” ayon kay Solidum.

Sa video na ipinost ng PHIVOLCS sa kanilang Facebook page, kitang kita ang makapal na usok mula sa Mayon.

Ang kuha ay alas 7:58 ng umaga kanina (Martes, Jan. 16).

Ayon sa post, nagdulot ng lava collapse ang nararanasang pyroclastic density current sa bulkan.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...