Dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon nanumpa na sa pwesto sa DND

Twitter Photo | Team Faeldon

Nakapanumpa na sa kaniyang pwesto bilang Deputy Administrator III ng Department of National Defense-Office of Civil Defense (DND-OCD) si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito ay makaraang mapayagan ng senado si Faeldon na pansamantalang makalabas sa kanilang detention facility.

Sa post sa twitter ng legal team ni Faeldon, makikita ang panunumpa nito kay Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Una nang nagpasalamat sa Senate Blue Ribbon Committee si Faeldon dahil binigyan siya ng pagkakataon na pansamantalang makalaya.

Ito ay para mapuntahan ang misis na nagsilang sa kanilang anak.

Isinunod na rin ni Faeldon ang panunumpa sa pwesto.

Matapos ang pansamantalang kalayaan, agad ding babalik sa senado si Faeldon dahil umiiral pa ang contempt na ipinataw sa kaniya.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...