Gusali sa Antwerp, Belgium gumuho makaraan ang malakas na pagsabog

Antwerp, Belgium

Lima na ang naitalang nasugatan habang marami ang pinaniniwalaan pang natabunan ng debris sa pagsabog na naganap sa mga gusali sa Antwerp, Belgium.

Sa sobrang lakas ng pagsabog, tatlong gusali na pawang mga establisyimento ng nadamay at isa dito ang tuluyang gumuho.

Ayon sa tweet ng pulisya ng Antwerp, nagresulta ng “multiple injuries” ang nasabing pagsabog.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon kung ano ang sanhi ng pagsabog pero isinantabi na ng mga pulis ang anggulong terorismo.

Isa sa tinitignang anggulo ay maari umanong isang insidente ng gas explosion ang nangyari.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...