Ang LPA ay huling namataan sa 300 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ayon sa PAGASA, napakaliit ng tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA.
Gayunman, ang extension nito ay maaring maghatid ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Mindanao at sa Palawan.
Maliban sa nasabing LPA, tail-end ng cold front naman ang nagpapaulan sa Bicol Region at sa iba pang bahagi ng MIMAROPA.
Magiging maulap naman ang papawirin sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, at Quezon at magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Northeast Monsoon din ang umiiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon pero isolated na pag-ulan lamang ang mararanasan ngayong araw.