Magdamag na nagpakita ng aktibidad ang Bulkang Mayon.
Sa mga larawan na ibinahagi ng mga netizens sa social media, makikita ang pag-agos ng lava sa gilid ng bulkan hanggang hatinggabi.
Sa ilang pagkakataon, makikita ang mistulang pagbulwak ng nagbabagang mga bato at putik na kulay pula sa bunganga ng Mayon volcano.
Makikita rin ang magma sa tuktok ng bulkan na indikasyon ng patuloy na pagiging aktibo ng bulkan.
Kahapon, nakapagtala na ng tatlong lava collapse ang Phivolcs na nagresulta ng mga nakikitang rockfall ng mga residente.
Sa kasalukuyan, nananatili ang alert level 3 status na itinaas ng Phivolcs sa paligid nito.
Umaabot na rin sa 12,000 residente ang lumikas sa pangambang lumakas pa ang mga pagbuga ng abo at lava ng bulkan.
Taong 2014 nang huling pumutok ang Bulkang Mayon na itinuturing na pinaka-aktibong bulkan sa bansa.
LOOK: Mayon volcano as of 12:00 AM. Photo courtesy of Joshua Eric Velasco Dandal pic.twitter.com/jvDXiZQrIK
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 15, 2018