Gilas Pilipinas, sinimulan na ang pag-eensayo para sa Fiba 2nd leg qualifiers

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Pormal nang inumpisahan ng Gilas Pilipinas ang pagpapalakas para sa second leg ng 2019 Fiba World Cup Asian Qualifiers sa Meralco Gym.

Naghahanda ang Team Gilas para sa pakikipagharap nito sa Australia sa Melbourne sa February 22, bago muling kalabanin ang Japan sa February 25, dito sa Pilipinas.

Sa pangunguna ni four-time PBA MVP June Mar Fajardo, sinimulan ng 11-man team ang kanilang sesyon para sa buildup ng kanilang koponan.

Dahil nasa Japan si Coach Chot Reyes, sina Jong Uichico at Josh Reyes ang pansamantalang nangasiwa sa practice session ng Gilas.

Tiwala naman si Fajardo na nasa magandang kondisyon ang team Gilas sa kanilang pagsabak sa laro sa susunod na buwan.

Read more...