Public hearing inihahanda para sa kanselasyon ng Brgy. at SK elections sa Mindanao

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang ikatlong pagdinig sa pagpapaliban ng eleksyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa May 14 sa Mindanao kasunod ng pagpapalawig ng martial law sa rehiyon.

Isasagawa ang public hearing sa January 23 sa Grand Caprice Restaurant and Convention Center sa Cagayan De Oro City.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, layunin nitong matukoy ng Komisyon kung itutuloy o kinakailangang ipagpaliban ang eleksyon ngayong taon.

Tiniyak din ng opisyal na mabibigyan ng patas na pagkakataon ang mga partidong lalahok sa pagdinig.

Sinabi ni Jimenez na napakahalagang beripikahin ang mga kondisyon para sa malaya at patas na eleksyon sa kabila ng umiiral na batas militar sa Mindanao.

Una nang nagtakda ang Comelec noong nakaraang linggo ng public hearings sa January 22 sa Zamboanga City at sa January 29 sa Cotabato City.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, maaaring ipagpalibanng Comelec ang eleksyon sa isang rehiyon kung imposible ang malaya, maayos at tapat na halalan dahil sa karahasan, terorismo, at iba pa.

Read more...