Whistleblower hinamon ni Duque na maglabas ng detalye sa DOH-mafia

Inquirer file photo

Bukas si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na imbestigahan ang akusasyong mayroong “mafia” sa kagawaran.

Magugunitang pinaganlanan ni Dr. Francis Cruz, dating consultant ng DOH, ang mga opisyal na nakinabang umano sa kontrobersyal na P3.5 Billion dengue immunization program.

Hinamon ni Duque si Cruz na magpakita ng mga dokumento na magpapatunay ng kanyang mga akusasyon.

Sinabi ng kalihim na hindi siya magdadalawang-isip na magsagawa ng imbestigasyon.

Dagdag ni Duque, hindi niya pipigilan si Cruz na magsampa ng kaso kung may sapat siyang ebidensya.

Ayon sa kalihim, nakausap niya na ang ilang opisyal na ni inakusahan ni Cruz na itinalaga sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Aniya, susuriin ng kagawaran ang mga kontrata ng mga opisyal.

Ilan sa mga idinawit ni Cruz sa umano’y mafia ay sina dating Health Sec. Janette Garin at 18 kasalukuyang opisyal ng DOH

Una nag pumalag si Garin sa akusasyon.

Read more...