Manufacturer ng Dengvaxia magsasauli sa pamahalaan ng P1.4 Billion

Pumayag ang Sanofi Pasteur na ibalik sa pamahalaan ang P1.4 Billlion kapalit ng mga hindi nagamit na dengue vaccine na Dengvaxia na ngayon ay naka-imbak sa mga bodega ng Department of Health.

Sinabi ng naturang French pharmaceutical company na payag sila sa naging request ni Health Sec. Francisco Duque na isauli ang natitirang bahagi ng ibinayad ng pamahalaan sa P3.5 Billion na vaccination program.

Kasabay nito ay nanindigan naman ang Sanofi Pasteur na mabisang anti-dengue vaccine ang Dengvaxia at hindi ito magreresulta ng kamatayan sa mga nabakunahan nito.

Kanila ring sinabi na nagkaroon lamang ng hindi pagkakaintindihan sa paliwanag kaugnay sa bisa at posibleng epekto sa tao ng nasabing bakuna.

Ipinaliwanag naman ni Sanofi Vice President Thomas Thriomphe na katuwang sila ng pamahalaan sa pagmo-monitor sa kalagayan ng mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Nauna dito ay sinuspinde ng Food and Drugs Administration ang product registration ng Sanofi Pasteur sa bansa makaraang lumutang ang kontrobersiya sa nasabing anti-dengue vaccine.

Read more...