Biyaheng abroad si Pangulong Rodrigo Duterte sa January 24 hanggang 26.
Pangungunahan ng pangulo ang delagdo ng bansa sa India-ASEAN Summit.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang pagdalo ng pangulo sa India-ASEAN Summit ay bunga ng bilateral meeting at personal appeal ni Indian Prime Minister Narenda Modi kay Duterte sa 31st ASEAN Summit na ginanap sa Pilipinas noong buwan ng Nobyembre.
Sinabi pa ni Roque na mahalaga ang pagdalo ng pangulo lalo’t isang emerging economy ang India.
Dagdag pa ng opisyal na ang India-ASEAN Summit ang kauna-unahang pulong sa ilalim ng Singaporean-ASEAN chairmanship.
Noong 2012, sinabi ni Roque na ang Pilipinas lamang ang tanging walang kinatawan sa commemorative summit sa India.
MOST READ
LATEST STORIES