WATCH: Mapanganib na pagsabog ng bulkang Mayon, posible sa susunod na mga araw ayon sa Phivolcs

PHIVOLCS Photo

Posibleng magkaroon ng mapanganib na pagsabog ang bulkang Mayon sa mga susunod na araw o linggo kasunod ng patuloy na pagbuga ng makakapal usok at abo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na kung ikukumpara sa mga nakaraang aktibidad ng bulkan, malabnaw ang magma na umaakyat ngayon sa tuktok nito.

Nangangahulugan aniya ito na mas mabilis ang pag-akyat ng magma sa tuktok ng bulkan dahil sa pagiging malabnaw nito.

At dahil sa itinaas na aniya ang alert level 3, kinakailangan na ang paglilikas sa mga residente na naninirahan sa loob ng anim na kilometrong danger zone na paligid ng bulkang mayon

Narito ang ulat ni Mariel Cruz:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...