Resignation ni Licuanan, tinanggap ni Pangulong Duterte

Photo from CHED FB page

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Commission on Higher Education (CHEd) Chairperson Patricia Licuanan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakarating sa Office of the President ang resignation ni Licuanan alas 8:00 ng umaga ng Lunes sa pamamagitan ng e-mail.

Ani Roque, pansamantala, ang most senior na commissioner ng CHED ang papalit sa pwesto ni Licuanan ‘in acting capacity’.

Sinabi pa ni Roque na anomang mga alegasyon ng korapsyon laban kay Licuanan, hindi na ito mahalagang pag-usapan sa ngayon dahil nagbitiw naman na ito sa pwesto.

 

 

 

 

 

Read more...