Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa ilang lugar sa Visayas

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan ng sa Visayas na patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan dahil sa tail-end ng cold front.

Alas 7:01 ng umaga, red warning level ang itinaas sa Leyte at sa Southern Leyte.

Ayon sa PAGASA, maari nang magdulot ng serious flooding sa mga mababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.

Samantala, yellow warning level naman ang nakataas sa Metro Cebu at Northern Cebu.

Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa mga inuulang lugar na maging alerto sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Muli ring maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA sa mga susunod na oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...