Calatagan, Batangas at Jomalig, Quezon niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Calatagan sa Batangas ngayong Lunes ng umaga.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa 19 kilometers West ng Calatagan alas 2:29 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, 99 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Samantala, makalipas ang ilang minuto, naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 3.1 na lindol sa Jomalig, Quezon.

Ang lindil ay naganap alas 2:51 ng umaga sa 80 kilometers North ng Jomalig.

May lalim naman na 22 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.

Kapwa naman hindi inaasahan na magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...