Mahigit 12 milyong box ng gatas ng French company na ‘Lactalis’ ang isinailalim sa product recall sa merkado dahil sa umano’y nagtataglay ito ng salmonella bacteria.
Ang lala ng kontrobersyal na panganib ng kontaminasyon sa 83 bansa ay kinumpirma mismo ng CEO ng kumpanya na si Emmanuel Besnier.
Ayon sa isang opisyal ng dairy firm, nasabihan na ang lahat ng bansa partikular sa Europa, Asya, Latin America at Africa habang hindi naman apektado anya ang UK, US at Australia.
Sa kasalukuyan ay 35 kaso na ng salmonella ang naiulat sa France habang isa pa ang kinukumpirma sa Spain.
May mga iniimbestigahan ding kaso sa Greece ayon sa mga opisyal mula France.
Ilan sa mga isinailalim sa recall ang brands ng kumpanya na ‘Picot’, ‘Milumel’ at ‘Taranis.’
Mapanganib ang salmonella lalo na sa mga bata dahl nagdudulot ito ng malalang diarrhea, pagsakit ng tiyan, pagsusuka at matinding dehydration.
Tiniyak naman ni Besnier na lahat ng reklamo ay iimbestigahan at magkakaroon ng kompensasyon sa lahat ng mga pamilyang apektado.
Nagbabala na ang France government sa kumpanya ni Besnier na pagmumultahin ito dahil sa paraan ng paghawak sa kaso.