5 rebelde sumuko sa Maguindanao

 

Sumuko sa mga otoridad ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Ampatuan, Maguindanao.

Nakilala ang mga rebelde na sina Taan Ayunan, Daniel Fokol, Panni Sina, Sing Manguil at Marvin Ginang.

Nagdesisyon ang limang rebelde na sumailalim sa amnesty program ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagsuko sa 1st Mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army matapos kumalas sa kanilang grupo noong January 9.

Isinuko na rin ng mga ito ang kanilang mga armas at mga improvised explosive devices.

Ang nasabing limang rebelde ay pawang mga miyembro ng unit ng NPA na nangongolekta ng “protection money” mula sa mga negosyante.

Inamin ng mga ito na ang mga armas at pampasabog na kanilang isinuko ang mga ginagamit nila sa mga establisyimento kapag hindi nagbabayad ang mga ito.

Samantala, tiniyak naman ng commanding officer ng 1st Mechanized IB na taos-puso ang pagtanggap nila sa mga rebeldeng nais magbago.

Read more...