Ito’y kahit pa tuluyan nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP) noong nakaraang taon.
Paliwanag ni Dureza, hindi lang naman sa peace negotiations natatapos ang peace process, dahil ang tungkulin ng kanilang opisina ay maghanap ng iba pang paraan upang matiyak na maisusulong pa rin ang kapayapaan.
Kabilang aniya dito ay ang pagtataguyod ng culture of peace sa mga komunidad, paghihilom ng mga hindi pagkakaunawaan dahil sa conflict kasabay ng pag-aalaga sa mga nabiktima nito.
Sa ngayon aniya ay masugid na isinusulong ng OPAPP ang “Six Paths to Peace” na inaasahang makapagbibigay ng pang-matagalang kapayapaan.
Ito ay binubuo ng komprehensibong peace process:
1. Pursuit of social, economic and political reforms;
2. Consensus-building and empowerment for peace;
3. Peaceful negotiated settlement with different rebel groups;
4. Programs for reconciliation, reintegration into mainstream society and rehabilitation;
5. Addressing concerns arising from continuing armed hostilities at;
6. Building and nutruting a climate conductive to peace.
Matatandaang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks as mga komunistang rebelde dahil sa patuloy na paghahasik nila ng karahasan laban sa mga sibilyan at pwersa ng gobyerno.