Higit 3,000 katao inilikas sa paligid ng Bulkang Mayon

 

FB/Civil Defense Bicol

Umaabot na sa 3,338 katao o katumbas ng 948 pamilya ang inilikas mula sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa muling pagiging aktibo ng Bulkang Mayon.

Ayon sa tala ng Department of Social Welfare and Development, pansamantalang namamalagi sa pitong evacuation centers ang mga apektadong pamilya na nakatira sa paligid ng Mayon Volcano.

Ayon sa Kagawaran, nakahanda naman ang mahigit 13,000 food packs at non-food items na nakalaan para sa mga apektadong pamilya.

Sa kasalukuyan, suspendido na ang klase sa ilang mga paaralan sa Albay matapos ideklara ng lokal na pamahalaan.

Ilan rin sa mga silid-aralan rin ang ginagamit bilang mga evacuation centers ng mga apektadong residente.

Nagpapatuloy ang pagmomonitor ng Phivolcs sa aktibidad ng Bulkang Mayon matapos itong magbuga ng abo at bato simula noong Sabado.

Kagabi, kinakitaan rin ng ‘crater glow’ ang bunganga ng bulkan.

Read more...