Ayon kay PNP Deputy Director General Archie Francisco Gamboa, pinuno ng PNP Directorial Staff, karaniwang tumatanggap ng 10,000 bagong pulis ang PNP taun-taon.
Ngunit dahil marami na ang nagretiro, nagbitiw sa puwesto o di kaya ay natanggal, mangangailangan sila ng karagdagang 5,000 tauhan pa.
Sa kasalukuyan, nasa 187,000 ang buong puwersa ng PNP.
Ito ay katumbas ng isang pulis sa bawat 651 Pilipino.
Ang planong recruitment ng bagong police personnel ay bukod pa sa planong pagbili ng PNP ng karagdagang 70,000 baril at pitong helicopter na magagamit ng kanilang hanay.
Ito aniya ang kanilang paggagamitan sa 7-bilyong pisong budget na makukuha ng Pambansang Pulisya para sa taong ito.