6 na bahay, nasunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong

 

Kuha ni Mark Makalalad

Aabot sa 6 bahay ang tinupok ng apoy sa Block 40, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Pasado alas-8:37 ng gabi nagsimula ang sunog na mabilis kumalat at itinaas sa ikatlong alarma.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, ang junkshop na pagmamay-ari ng isang Felix Lomundang ang pinagmulan ng sunog.

Napabayaan umano ang nilulutong hapunan ni Lumundang dahilan para sumiklab ang apoy at kumalat sa mga basura nito sa shop.

Wala naman naitalang nasawi sa sunog ngunit nasugatan ang isang alyas Kevin na tutulong lang sana sa pag apula ng apoy matapos itong makaapak ng bubog.

Sa taya ng BFP, nasa P200,000 ang kabuuang halaga ng mga bahay at ari-arian na tinupok ng apoy.

Idineklara namang fire out ang sunog alas-10:22 ng gabi.

Read more...