Dahil dito, naglabas ng pahayag ang Sanofi na nagsasabing humihiling na sila ngayon ng pagkakataon na makapulong si Health Sec. Francisco Duque III.
Layon ng Sanofi kasi na makausap nang direkta at personal si Duque tungkol sa kanilang kahilingan.
Maliban sa reimbursement ay nais din ng DOH na magsagawa ang Sanofi ng serotesting sa mahigit 830,000 na kabataang nabakunahan sa ilalim ng immunization program ng kagawaran laban sa dengue.
Sakali naman ay gusto ng DOH na sagutin ng Sanofi ang lahat ng gagastusin para sa serotesting at walang ilalabas na pera ang gobyerno.
Isinusulong ng DOH ang nasabing proseso upang matukoy ang “pre-vaccination” status ng mga batang naturukan ng Dengue at malaman kung nagkaroon na ba ng dengue ang mga ito bago sila mabakunahan.