Fixers na nasa likod ng limitadong passport appointment, iimbestigahan ng DFA

 

Viral ngayon sa social media ang ilang mga posts tungkol sa mga passport applicants na inalok ng mga fixers ng appointment slots sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa halagang P1,000.

Sinasabing ang mga fixers na ito ang umuubos sa mga slots para sa passport application na kanila namang ibinibenta sa aplikanteng hindi makapag-book online.

Kaya naman lumapit na ang DFA sa National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang sindikatong nasa likod ng mga fixers.

Samantala, humingi ng pang-unawa mula sa publiko ang DFA dahil sa posibleng technical issues na nararanasan sa tuwing pumupunta sa kanilang website para magpa-schedule ng passport application.

Ayon sa kagawan, dahil sa dami ng mga aplikante ang pagbagal ng sistema ng online passport application.

Dagdag pa ng DFA, regular silang nagbubukas ng slots kaya naman pinapayuhan ang publiko na laging tingnan ang kanilang website para malamang kung mayroon nang slots na maaaring i-book.

Read more...