CAAP, pinalawig ang inilabas na NOTAM kaugnay sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon

Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ipinalabas na notice to airmen o NOTAM kagabi kaugnay sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa inilabas na NOTAM ngayon alas-9 ng umaga, ito ay magiging epektibo ng 24 oras.

Kagabi, bandang 9:12 nang unang magpalabas ang CAAP ng NOTAM na may bisa hanggang kaninang ala una ng madaling araw para maiwasan ng mga eroplano ang abo mula sa bulkan.

Ngunit dahil sa patuloy na pagbubuga ng abo ng bulkan, kailangan na muling magpalabas ng CAAP ng NOTAM.

Kahapon bandang 5:38 ng hapon nang magbuga ang Bulkang Mayon ng abo na lumikha ng volcanic ash cloud nang hanggang sa 8,202 talampakan na taas.

Read more...