Women’s volleyball team ng Pinas, wagi kontra Malaysia sa SEA Games

10150826_10205720671071188_78283682_nWagi ang Philippine Women’s volleyball team sa laban nito sa Malaysia Huwebes ng umaga, June 11, sa nagpapatuloy na 28th Southeast Asian Games na ginaganap sa Singapore.

Ang sweep na panalo ng Pilipinas laban sa Malaysia ay ang kauna-unahan para sa bansa sa loob ng 10 taon na paglahok sa SEA Games.

Nakuha ng Philippine team ang score na 25-15, 25-18 at 25-16.

Dahil sa nasabing pagkapanalo, abante na sa semifinals ang women’s volleyball team ng Pilipinas.

Ang flag bearer ng Philippine delegation na si Alyssa Valdez ang nanguna sa game sa score na 13 kabilang ang 12 spike at isang block. Habang may 8 puntos si Dindin Santiago-Manabat.

Sina Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga ay kapwa nakapuntos ng tig-pito./Dona Dominguez-Cargullo

Read more...