Ito ang naging resulta ng pag-aaral ng Pew Research Center na pinamagatang “Publics Globally Want Unbiased News Coverage, but Are Divided on Whether Their News Media Deliver.”
Sa naturang report, 78% ng mga Pilipino ang nagsabing maayos ang pagbabalita ng mga media outlets tungkol sa mga isyung politikal sa bansa.
83% naman ang nagsabing maayos ang pagbibigay impormasyon ng mga news agencies sa bansa patungkol sa mga balita na may kaugnayan sa mga pinuno at opisyal ng gobyerno.
Samantalang 87% naman ang nagsabi na maayos ang pagbabalita tungkol sa mga importanteng pangyayari sa loob ng Pilipinas.
1,000 mga Pilipino na edad 18 pataas ang kinuha para sa naturang pag-aaral sa pamamagitan ng face-to-face interview noong February 26 hanggang May 8, 2017.
Lumabas rin sa naturang pag-aaral na sa buong mundo, tanging Pilipinas at Brazil lamang ang mga bansa kung saan ang mga kabataan ang nakatutok sa mga local news.