Sa abiso ng PHIVOLCS, nagkaroon ng phreatic eruption ang bulkan at naglabas ng grayish na usok at abo na umabot ng 2,500 meters ang taas.
Nagkaroon din ng mga pagyanig ang Mayon simula alas-4:21 ng hapon ng January 13 na tumagal ng 1 oras at 47 minuto.
Nagkaroon ng ashfall ang mga barangay ng Anoling sa Daraga, Sua, Quirangay, Tumpa, Ilawod, at Salugan sa Camalig, at Tandarora, Maninila, at Travesia sa Guinobatan.
Matapos ang pagbuga nito ng usok at abo ay nagkaroon ng mga rockfall sa paligid nito.
Bandang 10:16 ng gabi nang magkaroon naman ng mahinang crater glow ang Bulkang Mayon.
Bago ang naturang phreatic eruption, ay naitala naman ang pamamaga ng lupa sa paligid ng bulkan simula pa October at November ng 2017.
Ayon sa PHIVOLCS, nangangahulugan itong umaakyat na ang magma sa bulkan.
Sa ilalim ng Alert Level 2 o increasing unrest ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa mas madalas na phreatic eruption na maaaring maging magmatic eruption.