Nonito Donaire pinag-iisipang magsanay sa Cebu

Pinag-iisipan ngayon ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. na magtayo ng training camp sa Cebu.

Ito ay para maghanda sa kanyang laban kontra kay former IBF Superbantamweight at WBA Featherweight Champion Carl “The Jacka” Frampton.

Sa isang panayam, sinabi ni Donaire na sakaling makakapagtraining siya sa Cebu ay kukuha siya ng mga Pilipinong boksingero mula sa ALA gym para kanyang maging sparring mates.

Partikular niyang tinukoy si undefeated WBO no. 2 contender Mark Magsayo na gusto niyang maging sparmate.

Ayon pa kay Donaire, plano niyang tatlong beses makalaban ngayong taon at nais niyang isa sa kanyang magiging laban ay para sa world title.

Kaya naman desidido siyang matalo si Frampton na kagaya niya ay nasa ‘must-win’ situation.

Gaganapin ang naturang laban sa April 21 sa SSE Arena sa Belfast, Ireland.

Read more...