Nadine Lustre, ni-recreate ang 2004 photoshoot ni Claudine Barretto

Mahigit isang dekada matapos maitampok sa isang kilalang apparel shop si Claudine Barretto ay tila naipasa na nito ang kanyang korona kay Nadine Lustre.

Ito ay matapos i-recreate ni Nadine ang 2004 photoshoot ni Claudine para sa Folded & Hung.

Gaya ng photoshoot ni Claudine ay suot ni Nadine ang isang puting
Folded & Hung shirt na dinisenyuhan ng swarovski at puting denim shorts.

Ang naturang shoot ay bilang preparasyon para sa 20th anniversary campaign ng naturang apparel shop.

Ang sikat na photographer na si BJ Pascual ang kumuha ng mga litrato ng kapamilya actress.

Read more...