Sa pagtaya ng mga insider sa oil industry, aabot sa average na P3.77 hanggang P3.87 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina.
Nakapaloob dito ang excise tax na P2.97 kada litro at import tax na mula P0.80 hanggang P0.90 sa bawat litro ng nasabing uri ng petrolyo.
Aabot naman sa halagang P3.20 hanggang P3.30 bawat litro ang inaasahang dagdag sa halaga ng diesel.
Sa nasabing halaga, P2.80 kada litro ang dagdag na excise tax at mula P0.40 hanggang P0.50 per liter ang bayad sa import taxes.
Ang dagdag presyo sa gasolina at diesel dahil sa excise tax ay hiwalay pa sa naunang anunsyo ng Department of Energy na oil price hike dahil naman sa paggalaw ng presyo nito sa world market.
Ayon sa DOE, asahan ang dagdag na P0.90 kada litro sa presyo ng gasolina samantalang P0.50 sa bawat litro ng diesel.