“Excellent health” ni Trump ipinagmalaki ng White House

AP

Nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ni U.S President Donald Trump.

Sinabi ng White House at ng personal doctor ni Trump na si Dr. Ronny Jackson na nasa “excellent health” ang kalagayan ng 71-anyos na U.S leader.

“The president’s physical exam today at Walter Reed National Military Medical Center went exceptionally well”, ayon sa pahayag ni Jackson.

Pabiro ring sinabi Jackson na tiyak na hindi magugustuhan ng mga kritiko ni Trump ang nasabing balita na maayos ang kalusugan ng kanilang pangulo.

Si Trump ay sinasabing dumaan rin sa stress test, kinuha ang kanyang height, timbang, body mass index, resting heart rate, blood pressure at oxygen saturation sa kanyang dugo.

Kinunan ng dugo si Trump kung saan dumaan sa examinations ang kanyang blood glucose, cholesterol level at iba pa.

Aminado naman si Jackson na hindi isinailalim sa psychiatric test ang U.S president.

Read more...