Sinabi ng pinuno ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) na tuloy ang pagwasak sa halos ay 100 mga segunda manong mga muscle cars at luxury vehicles na naipasok Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan.
Ipinaliwanag ni CEZA Administrator Raul Lambino na tanging mga smugglers lamang ang makikinabang kapag isinalang sa auction ang mga nakumpiskang Hummers, Porche, Mercedes Benz at Lamboghini.
Malinaw din umano sa ating mga umiiral na batas na bawal ang pag-import ng mga secondhand cars.
Dagdag pa ni Lambino, prayoridad ng pamahalaan na pangalagaan ang kalagayan ng local car industry sa bansa at maaaring maapektuhan ito kapag hindi kaagad nahuli ang mga nasa likod ng car smuggling.
Nauna dito ay sinabi ng pangulo na siya mismo ang mangunguna sa pagdurog sa mga mamahaling mga sasakyan na iligal na naipasok sa bansa.