Lubog pa rin sa tubig-baha ang ilang mga lugar sa lalawigan ng Camarines Sur dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng tail end of a cold front.
Sinabi ni Camarines Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Director Che Bermeo na umaabot na sa 30,000 pamilya ang nailikas sa mga ligtas na lugar dahil sa baha.
ipinaliwanag ng opisyal na umabot pa sa lampas-tao ang taas ng baha sa ilang mga lugar sa lalawigan.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga bayan ng Lagonoy, San Jose, Caramoan at Presentacion.
On-going naman ang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga nawawalang mga mangingisda makaraang tumaob ang kanilang mga bangka sa tinambac at Caramoan.
Nauna dito ay nailigtas ng mga tauhan ng PCG ang labingapat na mga crew ng isang malaking fishing vessel sa bayan ng Mercedes sa Camarines Norte.
Sinimulan na rin ng mga local officials ang pamimigay ng relief goods sa mga mamamayan na naapektuhan ng baha ayon sa PDRRMC.