Unang batch ng mga passports na may 10-year validity, inilabas na ng DFA

Pormal nang inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang unang batch ng mga pasaporteng may 10-year validity.

Pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang pamamahagi ng mga naturang passports sa mga aplikante sa Consular office sa Aseana.

Ayon kay Cayetano, ang mas pinalawig na validity ng mga passports ay magiging kapaki-pakinabang sa mga OFWs lalo na sa mga nagtatrabaho malayo sa mga embahada at konsulada.

Sagot din anya ito upang masolusyonan ang ‘decongestion’ o kapal ng taong nais mag-apply sa mga consular offices.

Batay kasi sa datos ng kagawaran, tumaas ang produksyon ng passport mula 2009 ngunit hindi naman nagkaroon ng paglobo sa bilang ng mga empleyado ng mga tanggapan ng DFA.

Noong Agosto noong nakaraang taon nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang R.A 10928 o ang batas na nagpapalawig sa validity ng Philippine Passports.

Lahat ng 18-anyos pataas ay bibigyan ng 10-year valid passports habang ang 18-anyos pababa ay bibiyan lamang ng five-year valid passports.

Wala namang pagkakaiba sa presyo, disenyo at bilang ng pahina ang mga passport na may 10 at five-year validity ayon sa DFA.

Read more...