Nabatid kasi na parami na nang parami ang nasusugatan sa pag-atake sa Bab Touma at Abbassen pati na rin sa ibang mga kalapit lalawigan.
Sa security advisory ng embahada, kanilang pinapayuhan ang Pinoy sa capital city na manatili na lamang sa kanilang mga bahay kung wala namang mahalagang lakad.
Kung hindi naman maiiwasang lumabas ng bahay, ay tiyakin na lang daw na lumayo sa matataong lugar kagaya ng shopping mall, public market, government building, police at military installations, pati na rin sa military check point na kadalasang nagiging target ng pag-atake.
Sakali namang magkaroon ng emergency, hinihikayat ng Embahada ang mga Pinoy doon na makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng mga numerong: 0960-006113, 0949-155557 at 613-2626.
Kasalukuyang nasa alert level 4 ang Syria dahil sa umiiral na civil war.