Pinayagan ni LA Country Superior Court Judge Gerald Rosemberg ang petisyon ni Caitlyn Jenner (65) na palitan ang kanyang dating pangalan at kasarian.
Ayon sa petisyon, nais ni Caitlyn na alisin ang dati niyang pangalang William Bruce Jenner at lalaking kasarian upang maitugma sa kasalukuyan niyang estado.
Ipinahayag din ni Caitlyn na bagaman tanggap ng publiko ang pagpapalit niya ng “identity”, mayroon pa ring ibang negatibo na nagbabantang siya ay saktan o patayin.
Naging maigisi lamang ang pagdinig at pinayagan ni Judge Rosemberg na palitan ni Caitlyn ang kanyang pangalan sa “driver’s license” at “social security card” na tugma na sa kasalukuyan niyang personalidad at bagong kasarian na “transgender woman”.
Hindi rin sinabi ng korte ang nilalaman ng “medical information” tungkol kay Caitlyn kung ito nga ay nagpa-sex change o hindi. Si William Bruce Jenner ay Olympic gold medalist sa decathlon noong 1976 at ama ng dalawa sa mga Kardashians sa US television.