Fans ng “Aldub”, inaabangan ang kanilang muling pagkikita

aldub-eat-bulaga
Courtesy of Eat Bulaga

Madaling araw pa lamang ay inaabangan na ng tinaguriang ‘Aldub nation’ o fans ang unang pagdalaw ni Alden Richards sa Mansion ni Lola Nidora kung saan nagbigay ng kundisyon para sa kanyang pagdalaw kay Maine Mendoza o kay Yaya Dub.

Ala-sais ng umaga ay umabot na sa 6 million tweets para sa (hashtag) #ALDubEBforLOVE kung saan hinahangad nila na malampasan ang lastweek na unang date ng tambalang aldub na umabot ng 12 million tweets.

Kaninang ala-una ng hapon ng hapon ay umabot na sa 14.7-million tweets para sa most awaited na pagdalaw ng actor sa mansion ni Lola Nidora pati na ang pag-harana nito kay Yayadub na sikat na awitin ngayon na “God gave me you”.

Samantala ngayon sabado din ang National Pabebe Wave Day! na pinangunahan ng mga host na sila Tito Sotto, Bossing Vic Sotto, Joey de Leon at Allan K kung saan nag post ang mga ito ng naka pabebe pose.

Read more...