Hinihinalang illegal recruiter, arestado

Arestado ang isa sa mga suspek sa illegal recruitment ng mga Pinoy na nangangarap mag-abroad pero pinaasa lang.

Sama-samang binitbit ng mga biktima sa tanggapan ng Manila Police District si Cynthia Banarez ng bogus na JAPCO Training Center matapos hingan sila ng mahigit P40,000 para makapagtrabaho sa Japan.

Magsisilbi sanang factory worker ang mga biktima pero matapos ang maraming proseso mula pa noong Hunyo ng nakaraang taon ay na-delay na nang delay ang kanilang employment.

Depensa naman ng suspek, ang presidente ng recruitment agency na si Teresita Hassan ang dapat na idemenda dahil sa kanya napupunta ang mga pera.

Maliban kay Hassan, may lima pang tao ang itinuturo ni Banares na kasamahan nya sa JAPCO.

Sa ngayon, aabot na sa mahigit 70 ang biktima ng illegal recruitment.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga pulis sa ibang suspek.

Read more...