Unfriending sa Facebook, “workplace bullying” sa Australia

Facebook
Facebook logo

Kinatigan ng Fair Work Commission sa Sydney, Australia si Rachel Roberts, isang real estate agent sa reklamo nitong panggigipit sa kanya ni Lisa Bird, kanyang Sales administrator.

Ayon sa reklamo, siya ay binu-bully ni Lisa kung saan tinawag pa siyang parang batang nagsusumbong sa kanyang teacher.

Nang tingnan ni Rachel ang kanyang facebook, natuklasan niyang inalis na siya ni Lisa at mula noon ay nakaranas ng labis na kalungkutan at pagkabalisa.

Tinanggap ng work tribunal ang sumbong ni Rachel at sinabing ang inakusahang supervisor ay nagpakita nga ng kakulangan ng “emotional maturity” at indikasyon ng walang kwentang pag-uugali.

Ayon pa sa desisyon, nang i-unfriend si Rachel sa Facebook noong January 25, ito ay indikasyon na hindi siya gusto ni Lisa at ayaw niya itong maka-usap o makatrabaho.

Nagreklamo din si Rachel ng “unfair treatment”ni Lisa tulad ng hindi pag-hello sa umaga o kaya’y pagbibigay ng “photocopies o printouts sa lahat ng staff maliban sa kanya. Nag-isyu agad ng “order” ang work tribunal kay Lisa na itigil na ang ginagawa nitong “workplace bullying” kay Rachel.

 

Read more...