Balik sa normal na ang pagsasagawa ng road reblockings at repairs ng Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ito ay makaraan din ang ilang linggong suspensyon dahil sa holiday season.
Para sa weekend, walong road sections ang maaapektuhan ng reblockings at repairs ng DPWH sa Quezon City at Caloocan.
Ayon kay DPWH-NCR Director Melvin B. Navarro, magsisimula ang repair alas 11:00 ng gabi ngayong Biyernes, January 12, 2018 sa mga sumusunod na kalsada:
QUEZON CITY:
- outer lane at inner lane, south bound direction ng A. Bonifacio Avenue, Sgt. Rivera
- second lane, northbound direction ng Mindanao Avenue mula sa opposite ng Ramer Village hanggang Mindanao Bridge I
- fifth lane, northbound direction ng EDSA mula Howmart hanggang Oliveros
- third lane, northbound direction ng Congressional Avenue Extension sa Miranilla Gate
- second lane, northbound direction ng C.P. Garcia Avenue mula Baluyot Street hanggang Pook Aguinaldo Street
- first lane, northbound direction ng Congressional Avenue mula Virginia hanggang Visayas Avenue
- outer lane, northbound direction ng Quirino Highway malapit sa Sacred Heart of Jesus
CALOOCAN CITY
- Bonifacio Monumento Circle
Sa Lunes, January 15, 2018 ganap na 5:00 ng umaga inaasahang mabubuksan sa daloy ng trapiko ang mga apektadong lansangan.
MOST READ
LATEST STORIES