Naka-address ang demand letter ng DOH kay Thomas Triomphe na head ng Sanofi Pasteur Asia Pacific.
Hiniling din ng DOH sa Sanofi na magsagawa ng zero-testing sa mahigit 830,000 na mga bata na naturukan ng Dengvangxia para matukoy kung sila ba ay dati nang nagka-dengue o hindi pa.
Sa demand letter, nais ng DOH na gumamit ng makabagong teknolohiya sa pagsasagawa ng dengue test ang naturang kumpanya at kinakailangang walang gagastusin ang gobyerno para dito.
Humihingi rin ang DOH ng mga dokumento mula sa Sanofi para sa isinasagawa nitong clinical trials at iba pang pag-aaral hinggil sa Dengvaxia.
Maging ang katibayan na ang Sanofi Pasteur ay nakapasa sa review standards ng Philippine Council for Health Research and Development ay ipinasusumite rin sa DOH.
Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, sa ngayon, wala pang tugon ang Sanofi hinggil sa demand letter ng ahensya.