Ipinahayag din ng CPP na taliwas sa pahayag ng AFP ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malayo ang posibilidad na tapusin ang mga komunistang rebelde sa loob ng isang taon.
Tinawag din ng grupo na hibang si Lorenzana sa paniniwala nito na ang pakikipag-alyansa nila sa iba pang pwersa kontra Duterte ay dahil sa ‘bankrupt’ na ang CPP.
Ngayong linggo, ipinahayag ni AFP chief General Rey Guerrero na target ng militar na manangalahati ang 3,700 myembro ng New People’s Army ngayong taon.
Gayunman, sinabi ni Lorenzana na “far-fetched” ang pagpapabagsak sa NPA sa loob ng isang taon.
Nagbanta naman ang CPP na patuloy na magpapalakas ang NPA at maglulunsad ng mas marami at mas malalaking opensiba.