Bagong gamot vs. Diabetes, inaprubahan ng US FDA

Inquirer/AFP photo
Inquirer file photo

Pormal nang pinayagan ng US Food and Drug Administration ang diabetes drug na “Tresiba” , na isang uri ng “insulin” at pag-aari ng Danish drug maker na Novo Nordisk.

Kasabay nito, aprubado na rin ang katambal nitong injection na “Ryzodeg” para naman sa mas mabilis na epekto sa mga pasyente.

Noong 2013, binasura ng US FDA ang Tresiba dahil sa mga panganib sa may sakit sa puso.

Sa kabila nito, ibinenta ang gamot sa higit 30 bansa sa buong mundo at ngayon ay pwede na itong mabili sa Amerika.

Ang Tresiba ay may bisa ng hanggang 42 oras sa pagitan ng ineksyon samantala ang sister product nito tulad ng Levemir ay epektibo lamang mula 18 hanggang 24 hours.

Ang pagpasok ng Tresiba sa US market ay magsisilbing kompetisyon sa mga long acting insulin drugs na Lantus at Toujeo ng Sanofi, USA.

Inihayag din ng Novo Nordisk, ang nangungunang gumagawa ng “insulin”, sa mundo, na ang susunod nilang produktong “semiglutide” na tinatawag na once a week diabetes drug ay pumasa na rin sa mga matitinding pagsusuri.

Read more...